Monday, August 24, 2009


MAHALAGA BA ANG “PERA” para sau???

Marahil OO, Ngunit saiba hindi ito mahalaga.. Ngunit sa taong walang pera itoy napakahalaga!!!
Para sa akin “Hindi minamahal ang pera”.. .Ngunit kapagwala kang pera mukha kang tanga!!! at Pag pinanganak kang mahirap ito ay parang isang malupit na sumpa. Isang sumpa na mahirap mawala. Parang isang galis na mahirap gamutin dahil nagsusugat pag itoy inyong kamutin!


Marahil batid ninyo na mahirap ang walang pera, hindi ka makabili ng gusto mong bilin, hindi ka maka-kain ng gusto mong kainin. hindi ka makakuha ng magandang chicks dahil lagi kang basted? Dahil wala kang pera pang ligaw at wala ka manlang pang date o kahit pamasahe? At ang malupit kan2tin ka ng kamalasan “wala ka na ngang pera ang pangit mo pa!”
Sigurado kong itoy napag dadaanan mo na. Na ang iyong nililigawan ay nasusulot ng isang mayaman. Ngunit ikay nag tataka bakit? Halos mag ka-mukha lang naman kayo minsan mas pangit pa nga siya sayo, sorry nalang wag kang mag-taka at naiintindihan ko ang mga chicks dahil “ Ang Mayaman kahit MUKHANG KWAGO gumagwapo, Kapag nakasakay na sa PAJERO!” marahil ito ay katotohanan, mahirap manG tangapin wala kang magagawa dahil meron kang sumpa ang pagiging isang mahirap!


Sa Pilipinas Mahirap ang maging isang Mahirap, Kapag wala kang pera daig mo pa ang timawa at tuta na kaawa-awa.. Isang dukha na parang walang karapatang namnamin ang maginhawang buhay. Marahil dala ito ng kaisipan nating mga Pilipino na laging sinasabi ng mga matatanda “MAKUNTENTO KA KUNG ANO ANG MERON KA” kaya tayong mga pinoy ay na niwala dito at na kukuntento nalang kung ano ang meron tayo! Nakuntento nalang na kumain ng tatlong beses isang araw ayos na raw un? Tayo ay NAKUNTENTO! Kaya hindi na tayo umunlad dahil TAYO ay NAKUNTENTO NA KUNG ANUNG MERON TAYO!


HINDI NATIN MAKAKAILA NA IBA ANG TREATMENT NG MAYAMAN SA MAHIRAP DITO SA PILIPINAS.
Naranasan mo na b na na tratuhin ng masama dahil mukhang wala kang pera o talagang sadyang wala kang pera. Naranasan mo nabang hamakin ng dahil sa iyong katayuan sa buhay…

Nasubukan m na bang mag pagamot sa isang public hospital? Sasalubong sayo and isang nurse at doctor na ubod ng sungit at hindi ka nito masyadong papansinin kahit sakit na sakit kana dahil malayo naman daw sa bituka. Ngunit swerte mo dahil may lalapit sayong nurse este isang intern nurse pla galling ng F----a skul aasikasuhin ka nga ngunit pag prapractisan ka naman.

Na try mo na b na ban a tarayan ng sales lady sa mall dahil mukhang walang pera ka pambili, o kumain sa isang restaurant na hindi ka pinapansin ng waiter dahil kala ndi ka mag babayad? Pumara ng TAXI ngunit ndi ka isakay sa halip sinakay ang katabi mo na mukhang mayaman…

Mag rekla mo sa prisinto na hindi ka pinapansin dahil wala kang koneksyon o kapit?
Sadyang kay lungkot mabuhay sa mudong “pinapaikot ng pera.” Minsan naiisip natin na hindi fair ang buhay… ikaw na naghihirap kumyod hindi umaasenso sa halip patuloy ang pagyaman ng mga sakim na mayayaman…

NARARAPAT NA NGA B? na ipag-palit Ang PRINSIPYO SA PERA? Upang ang buhay ay guminhawa? Nararapat b na maging MAGULANG KA KAHIT WALA K PANG ANAK? Ipag papalit mo ba ang KAIBIGAN MO sa BABAE O SA PERA? Hangang saan ang kaya mong ipag palit sa pera?

Ang karangyaan o magandang buhay ay hindi kaylanman isang batayan ng pagiging isang tao."mahirap maging mahirap sa pilipinas". Ngunit hindi ito batayan para gumawa ng masama. “At LALONG HINDI ITO BATAYAN O MAGING DAHILAN NG PAG SIRA NG IYONG PANGALAN AT NG INYONG PINAG-SAMAHAN AT NG PAG-KAKAIBIGAN.” Totoong lahat tayo ay gusto ng pera, ngunit sana wag tayong mag “MUKHANG PERA”…
Ating “PAIKUTIN ANG PERA at HUWAG HAYAAN NATAYO ANG Pa-IKUTIN NITO”
" hindi mo kasalanan na ipanganak kang mahirap, PERO ANG MAMATAY KANG MAHIRAP PARIN KASALANAN MO NA

Thursday, August 20, 2009

Bakit Mahirap Ang Mga pinoy?

Hindi nio ba natatanong sa sarili ninyo minsan kung Bakit nananatiling mahirap ang mga pinoy?
Napakatalino naman ng pinoy, bilang patunay si agapito flores ang pilipino na naka imbento ng flourecent lamp na ndi na bigyan pansin ng ating gobyerno kaya ibinenta nito ang kanyang invention sa ibang bansa. anu nga ba ang dahilan kung bakit tayo mahirap?

wait may nag txt sakin.. babasahin ko, " Ang SWERTE talaga ni Dr. Jose Rizal dahil siya ang pambansang bayani ng mga pilipino, ang swerte ni rizal ang mukha niya nasa piso, ang swerte ni rizal meron siyang munumento, pero ang malas ni rizal ANU niya XXXX naka simento"..... aun jan tayo magaling sa kalokohan wala tayong galang sa ating bayani kaya panu tayo gagalangin ng mga kalapit bansa natin.

bakit nga ba mahirap ang pinoy?
  • TAMAD- kau b ay naniniwala na tayo ay tamad? ... Kung tayo ay tamad bakit Marami tayong mga kababayan na nag tratrabaho sa ibang bansa! natinitiis ang hirap para lamang kumita ng pera, inaalagaan ang hindi kaano-ano at ang kanyang anak ay naiwan sa pilipinas na walang nanay na nag aalaga! ???
  • NAKUNTENTO- Noong si juan ay bata pa madalas sabihin ng kanyang inay "Anak Makuntento Ka kung anung meron ka"... Kaya natanim sa musmos na isipan ni juan ang "makuntento kung ano meron SYA"...Karamihan sa ating mga Pilipino ay "NAKUNTENTO"... kumain 3 beses isang araw, mag karoon ng trabaho kahit maliit ang sweldo etc..nakuntento na kung anu meron tayo. kaya ndi na pinag yaman at umunlad ang buhay dahil nakuntento"
  • CRAB MENTALITY- Karamihan satin mga ingitero. me dalawang uri ng ingitero. ingeterong naiingit sa kapit bahay kaya gumawa at nag isip ng paraan para maging successful din. May Ingeterong naman na walang ginawa kung ndi maingit sa kapit bahay at ito ay siraan at hahatakin pababa upang wag lamang siya maungusan

  • CORRUPTION SA GOBYERNO- bilang batang pulitiko ako ay nagulat nung ako ay napasok sa mundo ng pulitika. dahil simula sa mababang pwesto sa gobyerno pataas ay may corruption. isang tradition na sigurong matatawag ang pag kakaroon ng sop o (Standard Operating Procedures) sa madaling salita minimum of 10% ng pondo sa mga proyekto ng mga tiwaling opisyales sa gov. ay napupunta lamang sa bulsa ng mga ito. kung minsan pay umaabot ito hangang 40% at kung talagang sobrang kapal ng mukha 100% o tinatawag na ghost project. kaya wag kayong mag taka kung bakit walang sapat na pondo ang edukasyon, kalusugan etc. sa ating bansa. sa kabila nito mayroon parin naman at marami parin namang mga matitinong opisyales sa ating bansa.
  • UNITY- meron ba taung unity?Unity maggulangan..joke?.... sa gobyerno ndi masama ang pag kakaroon ng dalawang faction. opposistion o administrasyon... ito kasi ay nakakatulong sa sinasabing checks and balance. kung lahat ay administrasyon walang mag sasalita kung may mali ginagawa ang administrasyon at madaling ma isagagawa ang mga pangungurakot at iba pang tiwaling gawain.
  • Political will- Karamihan sa mga politiko ay walang political will, gnagwa lang nila ang mga proyecto upang mag papogi ngunit walang continuation o pag papatuloy sa programa o proyekto. gumagawa ng batas ngunit hindi naman naipapatupad ng maayos...
  • MAKASARILI- kung minsan sarili lang natin ang laging iniisip, ok lang na gumawa ng masama sa ibang tao pero pag satin ginawa galit na galit tayo.

SAbi nila "walang tutulong sa kapwa pilipino kung ndi kapwa pilipino" pero sa tingin ko.. mas maganda kung isipin natin na " WALANG TUTULONG SAYO! KUNG HIDI ANG SARILI MO"

Papayag ka ba ng Mamatay ng isang mahirap? " Hindi mo Kasalanan ng ipanganak kang mahirap, ngunit kung ikay mamatay ng isang mahirap satingin mo kasalanan m kaya?

pls join ur group BROTHERS UNLIMITED.... ISANG GRUPO NA NALALAYONG MATULUNGAN ANG KABATAAN PILIPINO NA MAIIWAS SA ISANG SUMPA NA PAGIGING TAMBAY at addict..." Sa halip na maging tambay , Maghanap buhay"